akin

Monday, November 22, 2004

sit in

nasubukan n'yo na ba mag-sit in sa hindi mo school? ako sinubukan ko na. hehe... naki-sit in ako dun sa class nila Jam. wala kasi akong maisip gawin habang hinihintay ang high school friend ko. bandang 4:30 ay nandun na ako sa school nila. eh 6 pm pa meeting time namin ng friend ko. hehe...

kinakabahan pa kami dahil baka pagalitan ako ng magiging teacher nila. hihintay pa nga namin dumating kung sino man siya. sa pagkabagot nga lang ng mga kaklase niya, nagkayayaan na rin umalis. ang tagal kasi. kulang na lang sa sit in ay ang teacher. sa susunod na lang siguro. haha...

sayang, gusto ko pa naman sana ma-experience 'yon. :D


sa susunod na lang din siguro ang mahaba-habang entry. hehe...

8 Comments:

  • Hehe! Hindi pala natuloy, balik ka ulit dun Rap, ituloy mo pagsisit-in...masaya yun. Sobrang nakakaaliw. =) Makakahanap ka pa ng mga bagong friends.

    Ingat ka nga lang, kasi baka matulad ka sa nangyari sa akin. Dahil kasi sa pagkaadventurous ko kuno...nagsit-in ako sa isang class...subject na wala akong kaalam alam. At hindi ko alam na may long quiz pala sila nun, too late to back out...nasa loob na ako ei. Kaya yun...after ng quiz, exchange papers. Huwaaat?! Hehe! Ako ang lowest, 15/50! At ang mas nakakatawa pa, binasa pa names ng 5 highest pointers and yung pinakalowest! Haha! Terror pala yung Prof nila. Buti nalang, my friend (from the class), sinabi na nakisali lang ako. Nasabihan akong "very good" nung Prof nila kasi kahit sobrang layo ng course ko,may alam din ako kahit papano. Pag labas namin, ang dami ko ng kaibigan. Haha! 4th year Engineering na pala yung naging "classmates" ko that day. Hehe! Nakakahiya, pero...adventure talaga!!!=)

    By Blogger sweetheart, at 12:00 PM  

  • ingat nga lang bro..paminsan kasi may mga ibang prof na kilalang kilala nila ung mga estudyante nila..parang alam nila kung di ka taga dun, ung iba kasi nagpapahiya eh..imbes na palalabasin ka lang nila eh sasabunin ka pa..mahirap na..pero masaya nga makisit in lalo na pag may mga magandang binibini na nandun..

    By Blogger jepi, at 9:08 AM  

  • sweet! na experience ko yan! hahahahah!!! sakin naman e reporting and discussions. nag seat in ako sa kabanda kong taga PUP. so sabi niya ok lang naman dun. naghanap lang ako ng palipas oras noon. ng hindi ko namalayan, after ng discussion, ako yung pinareport ng grupo ng kabanda ako. buti na lang nakinig ako. in the end, i gaved the group a passing remark. hahahaha!!!! nagulat ako dun ah! yung subject nila all about cooperative science at mejo may konting accounting basics.

    TRIVIA:

    naalala ko tuloy... ang FILIPINO pala ng "ACOUNTING" ay "PAG TUTUOS" weird... but true.

    By Blogger GreenMangoes, at 5:25 AM  

  • Well... Ako oo ilang beses na... pero sa ibang school hindi ko pa nagagawa eh... :)

    Minsan nasa mga CS lab ako minsan nasa accounting subject ako minsan naman nasa HS room ako... kasama ko ang mga HS Girls... hahaha... pero siyempre mga prens ko yon... Well, Sa una medyo mahihihya, pagtitignan, pero sabihin o magpaaalam ka lang ok na ;))

    Yon lang

    By Blogger Rurunin Gavin, at 2:58 AM  

  • bat nga ba sit-in ang tawag jan?... hindi ko pa na-experience magsit-in pero c jam nag-sit in sa klase ko sa sts.... nakakatuwa nga xa eh... akala ko nasa likod ko lang, bigla palang naiwan sa labas...kaya un... peace tayo jam!

    -jeffcrazy

    By Anonymous Anonymous, at 12:06 AM  

  • masaya kaya mag-sit in sa hindi mo ckul...nag-sit in ako dati sa ateneo, multi-media un class tpos nag-iinternet lan ako for the whole 2 periods of that class. nagtataka na nga un mga students kung bkit di ako nagqquiz & bkit kulang un pc nila. hahaha... friend ko nga pala yun prof kaya ang tigas ng mukha ko dun...

    By Blogger mAudLiN soThsAyeR, at 10:07 AM  

  • By Anonymous Anonymous, at 2:11 PM  

  • ha ha... interesting...
    when a guy sat in sa isang botany class nmin, sobrang mukha siyang psycho! akala ko nga may sayad talaga eh... kc we dont really know him... pro pinalabas rin siya ng prof... bawal ata sit in sa min... cguro pag d obvious ok lang...

    By Anonymous alvin, at 10:54 AM  

Post a Comment

<< Home