akin

Wednesday, October 20, 2004

wahahahaha...

wala lang. kaninang madaling araw ko lang sinubukan ibahin ang design ng blog. hehe... buti na lang sinubukan ko. inisa-isa ko kasi ang codes dun eh. pero okay lang.

ang dami ko na naman natulugan kagabi. naiwan kong naka-on ang radio, DVD player, ilaw ng kwarto ko at computer. pagkagising ko naman ng 2:30 kanina. nanood muna ako ng TV. nung hindi pa rin ako makatulog, saka ko na lang naisipan pag-aralan ang blog template ko. hehe... bandang 4 am na ata ako nakatulog.

bad trip! late na ako nakaalis para sa 8 am class ko. nagising ata ako ng 7:45. nag-text ako sa kaibigan ko na pakisabihan na lang ang teacher namin na late na ako dadating. "masama" kasi ang pakiramdam ko. hehe... 8 na ako nakaalis at 9:10 na ako dumating dun.

nabasa na lang niya ang text ko nung magkasama na kami. swerte na lang din ako dahil absent ang teacher namin. kung nandun siya, malaman sinabon na ako nun. haha... buti na lang.

3 Comments:

  • you know where it hits! astig! ill make sure ill visit this blog every online session not because of your posts but bcoz of this lovely girl in the background....

    of course im kidding! anyway... she really is heaven sent....

    dream on!

    -jeffcrazy

    By Anonymous Anonymous, at 11:23 PM  

  • ipagkalat pa ba na late ko nabasa ang text nya?? buti na lang no mention of names.. ni-report ko na kay ma'am na late ka.. hahahahahahh! joke lang pow!

    masama daw pakiramdam ha.. hehehh, parang galing ka lang nun sa iyak eh.. hehehehh.. joke!

    pretty naman ng gal sa background mo, wish mo bang maging kamukha nya ha ralphy boy??

    har har!! ^_~

    constructive criticism:: note ko lang po, nahirapan akong basahin ang fonts mo kasi hindi maganda ang contrast nya sa background. anyways, sabi mo eh tinesting mo lang naman diba?? so please work it up na lang po. ty.

    ---"ingat ang ppol sau"---

    By Anonymous Anonymous, at 2:26 PM  

  • kahit ako, hirap basahin ang text. nag-iisip pa ako kung aling kulay ang bagay para sa background. kung wala bagay, baka ang background ang palitan ko. dami pa naman reserba na ganyan eh. haha...

    By Blogger ralph6, at 3:04 PM  

Post a Comment

<< Home