akin

Tuesday, October 26, 2004

tama bang agawan ako

kaninang lunch nangyari 'to, sa school canteen. nakapila ako para umorder ng kakain ko. kumuha ako ng tray. hintay naman ako para sa turn ng ko. ayan. ako na, niluto na ang akin. nasa tapat ko ang tray na kinuha ko. bigla ba namang may batang nagpatong ng plato niya sa tray ko. tama ba 'yon? halata naman na akin 'yon. hindi na lang ako umimik. kumuha na lang ako ng ibang tray. haayyy... ganyan na ba talaga ngayon? agawan na lang?

'yan lang ang laman ng akin. halong nainis at natawa na lang ako kanina sa bata. hehe...

1 Comments:

  • Hmmm.... Ilang taon na ba yung bata mga 12 something....? Dapat sana pinagsabihan mo... Well, wala lang... para naman sanang maipakikita mo yung pagkakamali niya yun lang poh ;)

    By Blogger Rurunin Gavin, at 3:28 AM  

Post a Comment

<< Home