akin

Wednesday, October 27, 2004

pumunta ako sa birthday ng kaibigan ko kagabi. ang handa niya ay inihaw ng isda at MARAMING case ng Red Horse. inuman ang labas ng ginawa niya. pumunta ba naman ako ng hindi pa nakakakain ng dinner. okay lang sana ang mga naunang shot ko. kinaya ko pa. sumakit nga lang ulo ko nung pinainom nila ako ng 3 baso ng Red Horse. pinagbigyan ko naman sila. medyo sumakit na ang ulo ko nun kaya tumigil na ako sa pag-inom. naramdaman ko na ang sipa ng kabayo. iilan lang ang naalala ko sa mga nangyari kagabi.

naki-text ako sa kaibigan ko kagabi. hindi ko na maalala kung ano ang message. naaalala ko lang kung kanino ko pinadala at ang number niya. hanggang ngayon ay sinusubukan kong matandaan ang laman.

nagyaya ang isa kong kaibigan na kumain ng lugaw sa labas. wala akong dalang pera nun. siya na lang ang sumagot. hindi ko maalala ang paglalakad namin. parang lahat ng nasa paligid ko ay blurred. dumaan muna kami sa computer shop ng madalas puntahan ng 3 kong kasama (hindi ko maalala kung sino ang isa sa kanila). tapos, diretso na kami sa lugawan sa labas (hindi ko pa rin maalala ang paglakad namin papunta dun). kumain ata ako ng lugaw na nakapataong ang ulo ko sa mesa. haaayyy... bago kami bumalik sa bahay ng may birthday, dumaan kami uli sa shop. hindi ko pa rin maalala kung paano kami naglakad pabalik. nung nandun na kami, sa labas na lang ako ng gate. wala na talaga akong masyadong makita at maalala. blurred ang paningin ko.

nagkayayaan nang umuwi. kabado naman ako dahil baka maamoy ako ng mommy ko. medyo na-control ko na ang lakad at boses ko pero blurred pa rin ang paningin ko. kumatok ako sa pinto namin. nanalangin ako na sana hindi ako maamoy ng mommy ko. binuksan niya ang pinto at pumunta sa banyo. sa loob-loob ko, swerte ko naman. akyat ako agad sa kwarto para matulog dahil sobrang hilo na ako nun.

nakakainis kaninang umaga. pagkagising ko nung 5 am ay naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko at inisip ko uli kung ano nga ba talaga ang napadala kong text. nakuha ko pang magbasa ng text sa cellphone ko. naunahan ko pa pala ang alarm ng cellphone ko nun ah.

late na akong pumasok sa first class ko. sakit pa rin kasi ng ulo ko. hindi nga ako makagawa ng Flash presentation dahil dun.

may mga natutunana ko sa nangyari sa akin.
- hindi na ako iinom kapag walang laman ang tiyan.
- hindi na ako magsasalita o magte-text kapag may tama. may tendency kasi ako na sabihin ang mga gusto kong sabihin.
- hindi na ako hahawak ng bola kapag may tama. napag-tripan ko atang mambato kagabi eh. ewan ko ba.


4 Comments:

  • hey bad cheetah!!umiinom k pala kuya..yikee!!alam mo,isa sa mga ayw ko sa mga tao yung umiinom..hehe..masydo bang pranka?!?..jst want to let u know..dpat ang inilagay mo sa mga natutunan mo ay dapat hindi ka na iinom..wla k nmng makukuha dyan eh..pero meron plang advantage ang pag-iinom..malalabas mo tlga ang tunay mong nararamdaman na hnd mo na malabas-labas..hahahha
    ~freyti~

    By Anonymous Anonymous, at 9:46 PM  

  • Ngekz, lasinggero!!! Haha! Sana minsan, makainuman kita Rap! Hehe! =)

    By Blogger sweetheart, at 1:26 PM  

  • Hay naku tama... wag kang iinom kung magtxt ka... kagaya rin yan ng... drunk driving... alam marami kang masasabi na hindi pwede sabihin... alam mo na kung bakit... bhehehehe

    By Blogger Rurunin Gavin, at 6:06 PM  

  • hmmm diba nakalagay sa "SENT messages" mo yung pinadala mong text msg na di mo maalala? kasi sa ibang cellphones ganun yun diba. pasensya na kung nakisali ako hehehe

    By Blogger balikbayan_box, at 7:53 PM  

Post a Comment

<< Home