lapis o ballpen
napansin n'yo ba kung ano ang pagkakaiba ng lapis at ballpen? ang sulat ng lapis ay nabubura pa. ang sa sulat naman ng ballpen ay hindi.
mabuti sana ang buhay kung parang nagsusulat na gamit ay lapis. meron tayong mga nagawa na gustong makalimutan, mapalitan o mapabuti. kung ganito lang ang buhay, siguro ay maayos ang mundo ngayon.
hindi mangyayari ang tungkol sa lapis. ang buhay ay parang nagsusulat na gamit ay ballpen. kapag nagkamali ay wala na tayong magagawa at kailangan na ituloy ang pagsusulat. alam n'yo naman kung paano burahin ang mali sa pagsulat, pwedeng gumamit ng correction fluid o kaya ang pagpatong pa ng sulat sa mali. (gets?) pero may napansin ba kayo kung gagawin 'yan? may bakas pa rin ng mali, 'di ba? sa mga "bakas" na 'yon tayo natututo, nagbabalik-tanaw, nasasaktan at kung minsan ay napapatawa o napapangiti. gusto ko lang sabihin na pag-isipan natin ang mga ginagawa natin sa buhay. 'wag din matakot magpasiya sa buhay. lahat naman tayo ay nagkakamali. dapat ay matuto tayo sa mga pagkakamali na 'yon. dun tayo nagiging mature.
- may mga kilala nga lang ako na kahit magkamali ay hindi man lang natututo. ewan ko ba kung bakit.

4 Comments:
Eh kung itapon mo na lang kaya yung papel at magsimula na lang uli...
Eh kung isulat mo muna sa lapis tsaka mo isulat sa ballpen...
Eh kung gumamit ka kaya muna ng scratch paper bago magsulat sa ballpen...
Eh kung nawalan ng tinta ang ballpen at di mo na mabura yung mali...
Eh kung ang ballpen ay para na ring lapis na pwedeng burahin ang naisulat...
Eh kung wala ang ballpen...
By
calculus, at 7:40 AM
Eh, di burahin mo ng WHITEOUT yung ballpen. Haha.
- Chels
By
Anonymous, at 3:14 PM
'some things you cant erase
no matter how hard you try'
-echo by trapt....
some things are meant to stay there....
-jeffcrazy
By
Anonymous, at 5:33 PM
Hmm... Tama ka pre... Hindi na pwedeng burahin ang pagkakamali ng nakaraan pero napupultan natin ito ng aral at ito ang naghuhubog sa ating katauhan natin ngayon... :)
By
Rurunin Gavin, at 2:07 AM
Post a Comment
<< Home