akin

Wednesday, October 27, 2004

pumunta ako sa birthday ng kaibigan ko kagabi. ang handa niya ay inihaw ng isda at MARAMING case ng Red Horse. inuman ang labas ng ginawa niya. pumunta ba naman ako ng hindi pa nakakakain ng dinner. okay lang sana ang mga naunang shot ko. kinaya ko pa. sumakit nga lang ulo ko nung pinainom nila ako ng 3 baso ng Red Horse. pinagbigyan ko naman sila. medyo sumakit na ang ulo ko nun kaya tumigil na ako sa pag-inom. naramdaman ko na ang sipa ng kabayo. iilan lang ang naalala ko sa mga nangyari kagabi.

naki-text ako sa kaibigan ko kagabi. hindi ko na maalala kung ano ang message. naaalala ko lang kung kanino ko pinadala at ang number niya. hanggang ngayon ay sinusubukan kong matandaan ang laman.

nagyaya ang isa kong kaibigan na kumain ng lugaw sa labas. wala akong dalang pera nun. siya na lang ang sumagot. hindi ko maalala ang paglalakad namin. parang lahat ng nasa paligid ko ay blurred. dumaan muna kami sa computer shop ng madalas puntahan ng 3 kong kasama (hindi ko maalala kung sino ang isa sa kanila). tapos, diretso na kami sa lugawan sa labas (hindi ko pa rin maalala ang paglakad namin papunta dun). kumain ata ako ng lugaw na nakapataong ang ulo ko sa mesa. haaayyy... bago kami bumalik sa bahay ng may birthday, dumaan kami uli sa shop. hindi ko pa rin maalala kung paano kami naglakad pabalik. nung nandun na kami, sa labas na lang ako ng gate. wala na talaga akong masyadong makita at maalala. blurred ang paningin ko.

nagkayayaan nang umuwi. kabado naman ako dahil baka maamoy ako ng mommy ko. medyo na-control ko na ang lakad at boses ko pero blurred pa rin ang paningin ko. kumatok ako sa pinto namin. nanalangin ako na sana hindi ako maamoy ng mommy ko. binuksan niya ang pinto at pumunta sa banyo. sa loob-loob ko, swerte ko naman. akyat ako agad sa kwarto para matulog dahil sobrang hilo na ako nun.

nakakainis kaninang umaga. pagkagising ko nung 5 am ay naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko at inisip ko uli kung ano nga ba talaga ang napadala kong text. nakuha ko pang magbasa ng text sa cellphone ko. naunahan ko pa pala ang alarm ng cellphone ko nun ah.

late na akong pumasok sa first class ko. sakit pa rin kasi ng ulo ko. hindi nga ako makagawa ng Flash presentation dahil dun.

may mga natutunana ko sa nangyari sa akin.
- hindi na ako iinom kapag walang laman ang tiyan.
- hindi na ako magsasalita o magte-text kapag may tama. may tendency kasi ako na sabihin ang mga gusto kong sabihin.
- hindi na ako hahawak ng bola kapag may tama. napag-tripan ko atang mambato kagabi eh. ewan ko ba.


Tuesday, October 26, 2004

tama bang agawan ako

kaninang lunch nangyari 'to, sa school canteen. nakapila ako para umorder ng kakain ko. kumuha ako ng tray. hintay naman ako para sa turn ng ko. ayan. ako na, niluto na ang akin. nasa tapat ko ang tray na kinuha ko. bigla ba namang may batang nagpatong ng plato niya sa tray ko. tama ba 'yon? halata naman na akin 'yon. hindi na lang ako umimik. kumuha na lang ako ng ibang tray. haayyy... ganyan na ba talaga ngayon? agawan na lang?

'yan lang ang laman ng akin. halong nainis at natawa na lang ako kanina sa bata. hehe...

Saturday, October 23, 2004

hindi makahanap ng cap issue

explain ko ang entry tungkol sa paghahanap ng cap. hindi lang naman tungkol lang sa paghahanap ng cap ang ibig kong sabihin dun, ang ugali ko na maghanap ng gusto ko. hindi lang sa material things ko na-apply ang ugali kong 'yan. ganito ah, nahuhulog lang ang loob ko sa isang tao kung tanggap ko ang kabuuan niya. ibig sabihin, ang maganda at hindi magandang meron sa kanya. ganun naman talaga, 'di ba? ewan ko na lang sa iba.

"kung kelan ka naghahanap, wala kang makikita."
- sa mga material things ko lang ginagawa 'yan. pero pagdating sa taong magugustuhan ko, naghihintay lang ako na may dumating.

"kung kelan ka hindi naghahanap, saka may makikita. bakit ganun?"
- kung may dumating man na gusto ko, hindi naman pwede. ang gulo 'no? siguro, dito ang part ng patatagan. maghihintay na lang uli.

"..at. bakit pag di mo hinahanap umaaligid lang diyan sa tabi tabi. pero kapag kailangan na kailangan mo na, saka di mo masilayan?" - GJ Bianca
"how would you search for something you have already seen?... the irony of it...." - Jeff
- hanggang tingin na nga lang siguro. ganyan talaga. nakakainis na lang kung minsan. pero wala na tayong magagawa dun. tanggapin na lang kung ano ang nangyari.


ano pa ba ang masasabi ko? hmmm... hindi lang basta-basta nahuhulog ang loob ko. kung mahulog man, sigurado ako. hehe... kung pihikan ako sa pagpili ng gamit, pihikan din ako sa pagpili ng babae.

'yan lang po. gusto ko lang explain.

Wednesday, October 20, 2004

wahahahaha...

wala lang. kaninang madaling araw ko lang sinubukan ibahin ang design ng blog. hehe... buti na lang sinubukan ko. inisa-isa ko kasi ang codes dun eh. pero okay lang.

ang dami ko na naman natulugan kagabi. naiwan kong naka-on ang radio, DVD player, ilaw ng kwarto ko at computer. pagkagising ko naman ng 2:30 kanina. nanood muna ako ng TV. nung hindi pa rin ako makatulog, saka ko na lang naisipan pag-aralan ang blog template ko. hehe... bandang 4 am na ata ako nakatulog.

bad trip! late na ako nakaalis para sa 8 am class ko. nagising ata ako ng 7:45. nag-text ako sa kaibigan ko na pakisabihan na lang ang teacher namin na late na ako dadating. "masama" kasi ang pakiramdam ko. hehe... 8 na ako nakaalis at 9:10 na ako dumating dun.

nabasa na lang niya ang text ko nung magkasama na kami. swerte na lang din ako dahil absent ang teacher namin. kung nandun siya, malaman sinabon na ako nun. haha... buti na lang.

Saturday, October 16, 2004

still can't find the right one

nung Wednesday night pa ako naghahanap ng para sa akin. wala pa rin akong nakikita na gusto ko. bakit ba ganun ang buhay? kung kelan ka naghahanap, wala kang makikita. kung kelan ka hindi naghahanap, saka may makikita. bakit ganun?

ano naman ang mga naisip n'yo sa title ko? hahaha... ang hirap kasi maghanap ng cap na gusto ko. naghahanap ako ng cap na light blue, na garterized, at simple lang. tigil muna ako sa paghahanap. naghanap na kasi ako sa SM Fairview, Robinson's Novaliches, at SM North. dalawang gabi akong nahirapan maghanap. haaayyy... sana makakita na rin ako ng gusto ko.

Monday, October 11, 2004

lapis o ballpen

napansin n'yo ba kung ano ang pagkakaiba ng lapis at ballpen? ang sulat ng lapis ay nabubura pa. ang sa sulat naman ng ballpen ay hindi.

mabuti sana ang buhay kung parang nagsusulat na gamit ay lapis. meron tayong mga nagawa na gustong makalimutan, mapalitan o mapabuti. kung ganito lang ang buhay, siguro ay maayos ang mundo ngayon.

hindi mangyayari ang tungkol sa lapis. ang buhay ay parang nagsusulat na gamit ay ballpen. kapag nagkamali ay wala na tayong magagawa at kailangan na ituloy ang pagsusulat. alam n'yo naman kung paano burahin ang mali sa pagsulat, pwedeng gumamit ng correction fluid o kaya ang pagpatong pa ng sulat sa mali. (gets?) pero may napansin ba kayo kung gagawin 'yan? may bakas pa rin ng mali, 'di ba? sa mga "bakas" na 'yon tayo natututo, nagbabalik-tanaw, nasasaktan at kung minsan ay napapatawa o napapangiti. gusto ko lang sabihin na pag-isipan natin ang mga ginagawa natin sa buhay. 'wag din matakot magpasiya sa buhay. lahat naman tayo ay nagkakamali. dapat ay matuto tayo sa mga pagkakamali na 'yon. dun tayo nagiging mature.

- may mga kilala nga lang ako na kahit magkamali ay hindi man lang natututo. ewan ko ba kung bakit.

Saturday, October 09, 2004

get up or fall

ano pipiliin n'yo sa dalawa? ang bumangon bago mahulog o ang magpakahulog kahit alam mo na walang sasalo?

nasubukan n'yo na ba ang mahulog na walang sasalo? masakit kung mangyari 'yan at mas mahirap bumangon galing diyan, hindi po ba? daramdamin mo muna ang sakit bago ka makabalik.

nasubukan n'yo na naman ba na bumangon bago ka mahulog? mas mabuti ito kaysa sa una kong nabanggit. hindi ganun kasakit dahil mas maihahanda mo ang sarili mo.

maikli lang ang entry na 'to. kayo na ang bahala kung magagamit n'yo ang mga sinabi ko. nagtataka ako kung bakit ganito na ang takbo ng isip ko.


Monday, October 04, 2004

ano ka ba?!

Ralph! bakit ka ba ganyan ngayon? bakit ganyan ang posts mo?

(Calc, pahiram lang ah.)

Saturday, October 02, 2004

some good things never last

i've thought of making this post nung nasabi ng kapatid ko na sayang naman si Rica at si Bernard. sinabi ko na lang sa kanya na hindi lahat nagtatagal. bigla ba naman tinanong kung nagkaroon na ba ako ng girlfriend. anak ng... sumagot na lang ako ng, "hindi." nakwento ko na lang ang nangyari sa bestfriend ko.

some come in and out of our lives. there are reasons why some come in and stay in our lives, and there are also reasons why some come out of our lives. it is up to us knowing these reasons, we just have to accept and understand what ever it will be.

for those who are going to read this post:
- never ever take anyone or anything for granted.
- cherish everything you have.
- say what you want and say what you mean.
- appreciate what they have done to you and let them feel appreciated.
- do the things listed above while they are still there.

- thank God for letting them come into our lives.