akin

Friday, September 24, 2004

mangkok

wala lang. wala na kasing baso dun sa kinainan namin nung isang araw. natawa na lang ang mga kasama ko nung uminom ako sa mangkok (malinis naman eh) ng tubig. uminon rin naman sila dahil nga walang baso. akala n'yo ah... hehe...

Tuesday, September 21, 2004

weird ata ako

malamang ay maiisip n'yo na weird ako. kung anu-ano kasi ang naiisip ko sa ibang nangyayari sa akin tuwing papunta ako sa school.

hinangin ang panyo ko

natatandaan ko nung nakasakay ako ng trike, galing ng bahay namin. pinatong ko lang ang panyo ko sa hita ko. bigla ba namang tangayin ng hangin. hindi pa naman ako sanay na walang dalang panyo. akala ko nawala na. nasa nakasabit lang pala sa may takip ng gulong. buti na lang nakuha ko pa.

sa nangyari, naisip ko na hindi lahat sa buhay (tao man o o bagay) ay laging na sa 'yo. may mawawala at mawawala pa rin. minsan akala mo wala na pero kailangan mo lang palang hanapin. naisip ko na dapat lagi mo rin i-check ang mga mahalaga sa 'yo bago pa ito mawala. kung mawala man ay may dahilan si Lord. dapat na lang nating unawain at tanggapin.


nahulog ang piso ko

kaninang umaga naman, sinuklian ako ng trike driver. na-expect ko na mahuhulog ang piso pero pinabayaan ko lang. nahulog, nahulog sa putikan. pinulot ko pero hindi ko mahawakan nang maayos dahil nga madumi at ayaw kong ibulsa nang ganun. ginawa ko na lang ay iniwan ko sa isang lugar na kung saan pwede pang magamit ng iba.

may mga mawawala sa atin na alam natin hindi lang natin napagtutuusan ng pansin. kapag nawala na, saka lang gagawa ng paraan para makuha uli. kumpara sa mga gamit, may lamat na. kahit anong gawin natin ay hindi na maibabalik pa. gusto ko lang sabihin na kailangan na lang pakawalan ang mga naging mahalaga para sa buhay natin. tulad ng nabanggit ko kanina, dapat na lang nating unawain at tanggapin.