akin

Friday, July 30, 2004

masaya nga pala ako para sa best friend ko dahil binigyan siya ng 1.0 sa thesis. hinintay ko pa siya kagabi. haha... baliw na yata 'yon dahil sa sobrang complex ng ginawa niya.


na-bad trip naman ako kaninang umaga dahil nabuhay ang isa naming ka-group. akala namin hindi na siya magre-report dahil hindi siya pumapasok. kanina lang ba naman binigay ang report na ginawa niya. dati pa raw 'yon hindi lang niya nabibigay. kung kelan ilang araw na lang before ng reporting namin. haaay!!!!!


medyo gumaan lang ng husto ang loob ko dahil sa nakita ko ang isa kong kaibigan. hehe...
nabawasan na rin ang mga iniisip ko dahil nakakuha na ako ng special exam sa 2 subject (out of 3) na hindi ko nakuha dahil may kulang pa akong requirements nung midterm exams. okay na sana eh, problema lang ay naiwan ko ang receipt, kailangan nga pala ang receipt number nun. pinakiusapan ko na lang na bukas ko ibibigay ang mga special exam forms. buti na lang mabait sila. at least nabawasan ko na ang mga pinoproblema ko. haha...


next week naman ay may reporting at may defense ako. magkasunod pa. haha... kakayanin ko 'yon.

masama na naman pakiramdam ko.  nakakainis kasi ang panahon ngayon.  uulan, aaraw.  panong hindi tayo magkakasakit niyan?!

iniba ko nga pala ang ayos ng buhok ko.  nilalagayan ko na ng gel.  hehe...  sabi ng mga kaibigan ko mas okay daw ang ayos sa akin.  thanks sa inyo.

salamat dun sa 2 girl na nagtiwala sa akin na masabihan ng mga problema n'yo.  dito lang ako.

Monday, July 26, 2004

ano bang meron sa araw na 'to?  kanina umaga, maaga nga akong nagising pero 'di naman ako agad gumalaw para pumasok.  30 minutes ba naman akong late sa 8 am class ko?!  may pinapagawa pa nga program sa amin, hindi rin ako ginaganahang gumawa. 

nung kumakain lang ako ng lunch ganado eh.  2 and half cups of rice at 2 ulam ba naman kinain ko eh. 

sa second class ko naman, wala ring kagana-gana.  9 lang kaming pumasok.  tipong sobrang antok na akong nung nakikinig ako.  hindi ko na nga maintindihan ang lessons kanina.

mamaya sa bahay, try ko pa uli na mag-program.  sana naman ay medyo maayos ko na. 



Monday, July 05, 2004

try lang

oi...