akin

Saturday, April 09, 2005

pasensiya na

hindi na ako nakakapag-update ng blog ko. wala akong gana dahil sa ibang nangyayari sa buhay ko. ang tagal ko nang nanahimik dito.

Monday, November 22, 2004

sit in

nasubukan n'yo na ba mag-sit in sa hindi mo school? ako sinubukan ko na. hehe... naki-sit in ako dun sa class nila Jam. wala kasi akong maisip gawin habang hinihintay ang high school friend ko. bandang 4:30 ay nandun na ako sa school nila. eh 6 pm pa meeting time namin ng friend ko. hehe...

kinakabahan pa kami dahil baka pagalitan ako ng magiging teacher nila. hihintay pa nga namin dumating kung sino man siya. sa pagkabagot nga lang ng mga kaklase niya, nagkayayaan na rin umalis. ang tagal kasi. kulang na lang sa sit in ay ang teacher. sa susunod na lang siguro. haha...

sayang, gusto ko pa naman sana ma-experience 'yon. :D


sa susunod na lang din siguro ang mahaba-habang entry. hehe...

Friday, November 05, 2004

waaahhhhhhhh

nung isang gabi, nasa bahay ako ng bestriend ko. wala lang. tambay lang sandali bago umuwi. past 10 pm na 'yon. nakilaro muna ako sa computer niya ng "Call of Duty." sa sobrang pagkaaliw ko sa laro, nakalimutan ko na 12 pm nga pala nagsasara ang gate na madadaanan ko pauwi. napamura na lang ako nung bigla kong naalala habang naglalaro. eh 12 pm na nun. napamura na lang ako nun. ginising ko agad ang kaibigan ko dahil nga gusto ko nang umalis.

nung nakaalis na ako ng bahay nila, tumakbo ako papunta dun sa gate. habang tumatakbo ako, iniisip ko ang mga pwede ng mangyari kung sarado na ang gate. kung magco-commute ako pauwi galing sa kanila pwedeng umuwi ako na walang gamit, pwedeng umuwi akong may "gripo" at pwede rin akong hindi makauwi dahil baka napatay ako, etc. dami kong naisip dahil ang madadaanan ko ay puro gag* ang mga nandun. mga tambay.

napamura na naman ako pagdating ko sa gate. naka-lock na kasi. buti naman may nakita akong guard. ayaw akong payagan nung una dahil nga 12 am ay nagsasara na sila. todo pakiusap naman ako. sinabi kong taga-dun ako sa kabilang subdivisiion. dami kong sinabi. nung binanggit ko ang pangalan ng coach namin na taga-dun, saka niya binuksan ang gate. haaayyy!!! laking hinga ko nun. inabutan ko na lang siya ng bente pesos. nahiya na rin ako dahil nga bawal talaga. ayaw pa niyang kunin, pero bumigay din. mas mabuting mawalan ako ng bente pesos kaysa mawalan ng buhay.
hindi ko na uulitin 'yon. ayaw ko na. kasalanan ko rin naman kaya nangyari 'yon.

Wednesday, October 27, 2004

pumunta ako sa birthday ng kaibigan ko kagabi. ang handa niya ay inihaw ng isda at MARAMING case ng Red Horse. inuman ang labas ng ginawa niya. pumunta ba naman ako ng hindi pa nakakakain ng dinner. okay lang sana ang mga naunang shot ko. kinaya ko pa. sumakit nga lang ulo ko nung pinainom nila ako ng 3 baso ng Red Horse. pinagbigyan ko naman sila. medyo sumakit na ang ulo ko nun kaya tumigil na ako sa pag-inom. naramdaman ko na ang sipa ng kabayo. iilan lang ang naalala ko sa mga nangyari kagabi.

naki-text ako sa kaibigan ko kagabi. hindi ko na maalala kung ano ang message. naaalala ko lang kung kanino ko pinadala at ang number niya. hanggang ngayon ay sinusubukan kong matandaan ang laman.

nagyaya ang isa kong kaibigan na kumain ng lugaw sa labas. wala akong dalang pera nun. siya na lang ang sumagot. hindi ko maalala ang paglalakad namin. parang lahat ng nasa paligid ko ay blurred. dumaan muna kami sa computer shop ng madalas puntahan ng 3 kong kasama (hindi ko maalala kung sino ang isa sa kanila). tapos, diretso na kami sa lugawan sa labas (hindi ko pa rin maalala ang paglakad namin papunta dun). kumain ata ako ng lugaw na nakapataong ang ulo ko sa mesa. haaayyy... bago kami bumalik sa bahay ng may birthday, dumaan kami uli sa shop. hindi ko pa rin maalala kung paano kami naglakad pabalik. nung nandun na kami, sa labas na lang ako ng gate. wala na talaga akong masyadong makita at maalala. blurred ang paningin ko.

nagkayayaan nang umuwi. kabado naman ako dahil baka maamoy ako ng mommy ko. medyo na-control ko na ang lakad at boses ko pero blurred pa rin ang paningin ko. kumatok ako sa pinto namin. nanalangin ako na sana hindi ako maamoy ng mommy ko. binuksan niya ang pinto at pumunta sa banyo. sa loob-loob ko, swerte ko naman. akyat ako agad sa kwarto para matulog dahil sobrang hilo na ako nun.

nakakainis kaninang umaga. pagkagising ko nung 5 am ay naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko at inisip ko uli kung ano nga ba talaga ang napadala kong text. nakuha ko pang magbasa ng text sa cellphone ko. naunahan ko pa pala ang alarm ng cellphone ko nun ah.

late na akong pumasok sa first class ko. sakit pa rin kasi ng ulo ko. hindi nga ako makagawa ng Flash presentation dahil dun.

may mga natutunana ko sa nangyari sa akin.
- hindi na ako iinom kapag walang laman ang tiyan.
- hindi na ako magsasalita o magte-text kapag may tama. may tendency kasi ako na sabihin ang mga gusto kong sabihin.
- hindi na ako hahawak ng bola kapag may tama. napag-tripan ko atang mambato kagabi eh. ewan ko ba.


Tuesday, October 26, 2004

tama bang agawan ako

kaninang lunch nangyari 'to, sa school canteen. nakapila ako para umorder ng kakain ko. kumuha ako ng tray. hintay naman ako para sa turn ng ko. ayan. ako na, niluto na ang akin. nasa tapat ko ang tray na kinuha ko. bigla ba namang may batang nagpatong ng plato niya sa tray ko. tama ba 'yon? halata naman na akin 'yon. hindi na lang ako umimik. kumuha na lang ako ng ibang tray. haayyy... ganyan na ba talaga ngayon? agawan na lang?

'yan lang ang laman ng akin. halong nainis at natawa na lang ako kanina sa bata. hehe...

Saturday, October 23, 2004

hindi makahanap ng cap issue

explain ko ang entry tungkol sa paghahanap ng cap. hindi lang naman tungkol lang sa paghahanap ng cap ang ibig kong sabihin dun, ang ugali ko na maghanap ng gusto ko. hindi lang sa material things ko na-apply ang ugali kong 'yan. ganito ah, nahuhulog lang ang loob ko sa isang tao kung tanggap ko ang kabuuan niya. ibig sabihin, ang maganda at hindi magandang meron sa kanya. ganun naman talaga, 'di ba? ewan ko na lang sa iba.

"kung kelan ka naghahanap, wala kang makikita."
- sa mga material things ko lang ginagawa 'yan. pero pagdating sa taong magugustuhan ko, naghihintay lang ako na may dumating.

"kung kelan ka hindi naghahanap, saka may makikita. bakit ganun?"
- kung may dumating man na gusto ko, hindi naman pwede. ang gulo 'no? siguro, dito ang part ng patatagan. maghihintay na lang uli.

"..at. bakit pag di mo hinahanap umaaligid lang diyan sa tabi tabi. pero kapag kailangan na kailangan mo na, saka di mo masilayan?" - GJ Bianca
"how would you search for something you have already seen?... the irony of it...." - Jeff
- hanggang tingin na nga lang siguro. ganyan talaga. nakakainis na lang kung minsan. pero wala na tayong magagawa dun. tanggapin na lang kung ano ang nangyari.


ano pa ba ang masasabi ko? hmmm... hindi lang basta-basta nahuhulog ang loob ko. kung mahulog man, sigurado ako. hehe... kung pihikan ako sa pagpili ng gamit, pihikan din ako sa pagpili ng babae.

'yan lang po. gusto ko lang explain.

Wednesday, October 20, 2004

wahahahaha...

wala lang. kaninang madaling araw ko lang sinubukan ibahin ang design ng blog. hehe... buti na lang sinubukan ko. inisa-isa ko kasi ang codes dun eh. pero okay lang.

ang dami ko na naman natulugan kagabi. naiwan kong naka-on ang radio, DVD player, ilaw ng kwarto ko at computer. pagkagising ko naman ng 2:30 kanina. nanood muna ako ng TV. nung hindi pa rin ako makatulog, saka ko na lang naisipan pag-aralan ang blog template ko. hehe... bandang 4 am na ata ako nakatulog.

bad trip! late na ako nakaalis para sa 8 am class ko. nagising ata ako ng 7:45. nag-text ako sa kaibigan ko na pakisabihan na lang ang teacher namin na late na ako dadating. "masama" kasi ang pakiramdam ko. hehe... 8 na ako nakaalis at 9:10 na ako dumating dun.

nabasa na lang niya ang text ko nung magkasama na kami. swerte na lang din ako dahil absent ang teacher namin. kung nandun siya, malaman sinabon na ako nun. haha... buti na lang.